Pitumput-pitong puting…ay mali…labing-pito na lang pala

Ganito siguro yung pakiramdam kapag alam mong malapit na… malapit ng matapos ang isang bagay.

Yung tipong huling fishball sa stick mo na hindi mo alam kung kakainin mo na ba o hindi pa kasi once kinain mo…ubos na.

O yung tipong huling oras bago magexpire ang unli na hindi mo alam kung maguunli ka pa ba o hindi na muna. Bakit naman kasi tinawag na unli kung hindi naman pala unlimited.

O baka naman yung tipong huling sulyap mo sa kanya kasi alam mo bukas makalawa baka hindi mo na siya makita.

Ganito nga siguro yung pakiramdam kapag paubos na… patapos na. Hindi mo mawari. Parang gusto mo na lang ilagay sa garapon ang oras para tumigil muna ito at magrelax muna dun. Pero hindi eh. Alam mong hindi titigil ang oras para sa’yo. Ano ka, hibang? Sinuswerte?

Pero bakit ka naman malulingkot ‘di ba? Oo, paubos na, patapos na… Pero alalahanin mo…pwede pang humirit. Last one minute, ika nga. Bakit ba?

Pwede pa namang bumili ng ikalawang stick ng fishball. O di kaya’y iextend ang unli. O ibulong sa tadhana na, “Uy, pagtagpuin mo pa rin mga landas namin ha?” Kahit alam mo namang walang tainga si Tadhana.

Oo. Bakit ka natatakot? Meron pang labing-anim na araw…tapos, labing-lima, labing-apat…sampu…lima…isa…(Oh, ayan. Natuto ka na ngang magbilang ng pabaliktad. Medyo sablay nga lang.) Tapos, wala na. Ubos na. Tapos na. Pero bakit grabe ka naman kung maka-time machine dyan. Excited? Nagmamadali. Relax lang. Meron pa. Meron pang pitumput…ay oo nga pala. Labing-pitong araw.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: