Gusto na kitang makita (Kita kita sa mata)

Eto yung kantang nagple-play sa utak mo na para talagang naririnig mo galing sa kung saan na akala mo’y ang buhay mo ay isang malaking music video tapos marerealize mo na lang na may namimis ka na pala.

Parang ang bagal ng takbo ng panahon pag wala ka

Bakit nga ba ganun? Bakit parang yung oras hindi na naididikta ng bilog na orasan o ng relo? Bumibilis ito o bumabagal depende sa kung anong nangyayari o sa kung sino kasama mo. Kailan pa ba naging ganun ang takbo ng oras? Kasi ‘pag wala yung taong gusto mo…ang bagal ng oras. Pero pag naandyan naman, talo pa ang pinakamabilis na tren sa pagtakbo. Pero ganun talaga…

Alam kong walang dapat sisihin na ako’y
Nandito at nandiyan ka

Sabi nga sa quote sa Ingles, I only want to be with you. As simple and as complicated as that.” Minsan talaga kahit sobrang namimis mo na, hindi pwede eh. Syempre may dapat munang unahin, may mga dagat na tatawirin, bundok na aakyatin… Okay, enough of that. Pero, seryoso, dapat ba talagang magkalayo? Syempre, may sasagot…”Oo naman, para may thrill!” (Thrill’n mo mukha mo.)

Pero dahil malayo ka
Ako’y nalulungkot na

Hay. Nakakamiss talaga. Nakakalungkot. Kaya…

Gusto na kitang makita
(Kita kita sa mata)

Yun lang naman ang sa tingin ko’y solusyon nun. Na makita na kita sa mata. Yung tipong 7.52 centimeters lang ang layo natin sa isa’t-isa. (Oo na. Ki-nompute ko na.)

Gusto na kitang makasama
(Magsama tayong dalawa)

Pero masarap din sa pakiramdam ano. Na may namimiss ka. Na habang tumatagal yung oras na magkalayo kayo, lalong lumalapit sa oras na magkikita kayong muli. At hindi mo na kailangang kantahin ang…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: