What am I doing with my life?

‘Pag nasa 20s ka na, bigla ka na lang matitigil sa kung anong ginagawa mo–siguro mula sa librong binabasa mo, o kapeng iniinom mo, o ‘di kaya’y pelikulang pinapanood mo, o baka naman sa (aminin na natin) trabahong kahit ayaw mo eh di mo naiwasang na-iuwi at gawin sa bahay. Kung ano man yang ginagawa mo na nagpaparamdam sa iyo na “I do have a life,” minsan talaga di mo maiiwasang mapatigil at mapasai ng… “T*ng-ina, ano bang ginagawa ko sa buhay ko?”

Nasa 20s ka na ha? At take note may trabaho ka.
Pero dumarating ka sa point na (aminin mo man o hindi)…na hindi mo naman talaga alam kung ano bang ginagawa mo. Yung tipong wala ka man lang plano. O yung tipong nakalimutan mo kung ano nga ba yung plano.

Naaalala mo pa naman kung gaano ka ka-Idealistic nung bata ka. Sinasabi mo nun, “Ay ‘pag nasa 20s na ako, ganito, ganyan; dapat may ganun na ako; dapat nakapunta na ako dito, doon.” Pero plot twist– kapag pala pagtungtong mo ng entablado ng 20s…hindi pa rin pala. Sinong may kasalanan? Ikaw. Ikaw kasi masyado kang maraming alam. Akala mo masasakop mo ang mundo pagdating mo sa 20s. Pero sorry, I hate to break it to you, hindi eh.

Marerealize mo kasi na kailangan mo pa ring sumunod sa parents mo, lola mo, tita mo, o yung anak ng tita ng pinsan ng lola ng aso niyo…kailangan mong magpaalam at lahat-lahat na. Hello? Nakatira ka pa rin kaya sa bahay nila! Kaya no choice ka, kailangan mo pa ring pangatawanan ang dambana ng pagiging masunuring anak.

At syempre marerealize mo kung gaano kalayo ang kinse sa trenta. Kahit pa 5 digits pa yang sahod mo na may tatlong zero, aminin mo na…kulang yan para sa lahat ng luho mo sa buhay. Siguro mapapansin mo yan pagkatapos ng dalawang taon mo na sa corporate world. Kasasahod mo palang ubos na. Welcome to the world of living paycheck to paycheck!

Tinuruan ka nga ng mundo kung paano mangarap. Pero wala namang nagsabi na ganito pala. Mapapatanong ka pala ng “What am I doing with my life?” (At least, natutunan mo ng i-English yun.)

Mapapatigil ka. Mapapatanong. Mapapamasid. Parang lahat ng ka-edad mo na kinasal, may anak, buntis, nakapag-abroad, nakapamasyal, may bago… Eh ikaw, katatapos mo lang basahin yung 500-page na libro ni Dan Brown. So ano na?

Hindi ko alam.

Advertisements

2 thoughts on “What am I doing with my life?

Add yours

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: