Na sana’y ‘pag nagtext ka’y sagutin na lang kita ng “hu u?”

Sana dumating na yung oras na wala na akong pakialam sa iyo. Na kahit hindi mo ko kausapin ng dalawampu’t apat na oras ay balewala lang. O gawin na nating isang lingo? isang buwan? Okay lang. Hindi na ako magbibilang. 

Sana nga. Dumating na yung puntong hindi na ako matutunaw sa isang sulok sa bawat pagkakataong alam kong nasa hulihan ako ng mga priyoridad mo sa buhay. 

Sana nga. Maabot ko na yung panahon na matanggap ko na hindi ka na bahagi ng araw-araw ko. Na hindi na ikaw ang unang ala-ala at huli. Na hindi na ikaw ang pilit sinasantabi na kahit alam naman nating dalawa na ikaw ay nasa gitna–kung kanino umiikot ang lahat ng anumang tawagin kong akin. 

Sana nga. Sana marating ko na yung pagkakataon hindi na kita inaalala sa bawat sandali na ako’y masaya o malungkot at hinihiling na sana’y kasama ka.

Sana. Oo. Puro naman sana hindi ba? Oo. Sana malimot na kita. Yung paglimot na walang halong sakit o saya. Kundi paglimot na katumbas ng pagkamanhid sa kung ano pa mang natira. 

Oo. Yung paglimot na kapag, kung saka-sakaling magparamdam kang muli, makasalubong, magtext, ang masasagot ko na lang ay “hu u?”

O sana hindi ko na magawang magreply pa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: