Apat na taon. Dapat sana’y graduate na ako sa ‘yo.

  
“Gaano katagal bago mo siya nakalimutan?”
“Matagal.”

Tama nga si Anthony. 

Matagal na matagal. Ako nga mag-aapat na taon na sa kursong Batsilyer ng Sining sa Paglimot major Sa Iyo. 

Heto na nga’t mula sa regular ay naging irre pa. Pahirapan eh. Di makapasa-pasa. 

Naku, binasa ko na lahat ng Libro tungkol sa paglimot. Take note, sinalihan ko na lahat ng Film Viewing. Balak ko na nga magregister sa mga seminars eh. O, kaya’y kumuha ng tutor na tutulong sa aking makalimot. Akalain mong pati Field Trip sa paglimot sinubukan ko na. Pero guess what. Wala pa rin. Ang hirap talagang pumasa. At nasa pang-apat na taon na ako. Hindi pa pala sapat iyon.

Pero alam mo, katulad ng ibang Magna, magna-nine years na sa kolehiyo, umaasa pa rin ako. Darating din ang panahon na matatanggap ko ang aking diploma at magmamartsa sa Moving On Ceremony. 

Oo, matatapos ko din ang thesis ko na pinamagatang “Ang Antas ng Paglimot sa Nakaraan sa Unang Pagkakataon.” Naniniwala akong kaya ko. Kasi hindi lang naman ako ang unang nahirapan sa pagmomove on, hindi ba? 

Marami kami. 

At sa bawat hakbang na aking tatahakin, nararamdaman kong natututo ako’t tumitibay sa paglimot sa iyo.

Apat na taon? Mahalaga pa ba iyon. Ang importante, makakalimutan. Papunta na ako doon. Natrapik lang.

  

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: