Panaginip feat. Scarlet Snow et. al.

Nasobrahan ko ata panonood ng mga videos ni Scarlet Snow Belo sa Instagram. Di lang kasi siya cute, halatang matalino. Hay. Nacucute’an talaga ako sa mga batang marunong ng magsalita lalo na pag English, cheerful, at natural na madaldal. Kakagigil. Nakaka-good vibes

Ayun na nga. Napanaginipan ko si Scarlet. Naglalakad daw kami na parang sa commercial na pangbaby products with matching cute background music. Oo, at dakilang babysitter ata ako sa mismong panaginip ko. Kaloka.

Nang biglang may sumulpot from nowhere up there na isang kahindik-hindik na manananggal. Yes. Yung flying lady with kalahating body. Ganoin. And take note, umagang-umaga ate? Yung totoo? Lasing? Inumaga sa bar?

Kaya tumakbo kami ni baby Scarlet. Alangan naman makipagchikahan kami. Tsaka wala na yung cute na background music. Big deal kaya. 

Pero habang tumatakbo, may nakita akong isang sako ng mani. Oo. Yung binebenta sa mga bus with matching sigaw ni kuya vendor na “hooopiaaaa, maniiii, popcooooorn!”

Tapos sinaboy ko kay ate mananaggal with matching sigaw. No, hindi ako sumigaw ng Darna! Hindi ko kaya tinanggap yung role. Cheka!

Anyway, sumigaw ako sabay saboy ng mani. “Sige, lumapit ka!” Lumalapit pa rin siya…

“Huwag kang lalapit! May bawang to. Tsaka asin!”

At natakot ang manananggal sa ingredients. Hooopiaaaa, maniiii, popcooooorn saved the day. Ay mani lang pala β€”with the final touches of asin and bawang.

Thus the end of the first adventure of me and bebe Scarlet. Weird, noh? πŸ˜‚

Advertisements

8 thoughts on “Panaginip feat. Scarlet Snow et. al.

Add yours

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: