Hello, Quarter Life Crisis. It’s me.

Feeling ko wala sa Pilipinas yung gusto ko. I mean, sa sulok ng Ilocos palang naman ako naghahanap pero pakiramdam ko wala talaga dito eh. 

My career is doing well. I guess? Siguro? Though tinatamad akong magpursue ng thesis. Yun na lang ang kulang para matapos ko na yung Masters ko. Yun na LANG. Pero hindi eh. Oops. Preno muna. Eto ba talaga ang gusto kong gawin sa buhay? Eto ba talaga ang mundo ko?

Even my heart is doing great. But I won’t add details. Thank you very much.

Financially, naiaabot naman hanggang kinsenas. Kaya pa. Nabubuhay pa. Normal. Walang halos iniintindi. Chill lang. May oras ngang mag-blog diba?

SO ANONG PROBLEMA KO?

HINDI KO ALAM.


Parang may kulang na hindi ko masabi. Hindi ko nga ba masabi o natatakot lang akong aminin na, “Dear Buhay, pwede pa bang mag-shift?”

Tapos rereply ang Life, “Uy teh, graduate ka na ng college, hindi ba?”

“Ay oo nga pala.”

Eto na naman tayo sa dead end. Kakatakbo akala ko may karera. Pagdating ko sa dulo, “Ay eto na yun? Eto lang pala?”


Nasanay lang siguro ako na laging may hinahabol. Laging may inaabot. Tapos. Pagkatapos kong maabot, mahabol, makuha lahat… Parang wala na. Wala na akong gana.

Wala nga bang gana. O BAKA MALI LANG AKO NG KARERANG SINALIHAN?

Siguro yun na nga. Mali. Maling-mali. Una palang mali na. Siguro ‘tong dead end na sumalubong sa akin ang sign na nagsasabing, “Hoy. Lumiko ka. Hindi ito ang daan para sa iyo.”

Sana kapag nagkaroon ako ng lakas ng loob na lumiko, may oras pa. Pwede pang tumakbo ng ilang libong milya. Kung magkakaroon ng pagkakataon, for sure, liliko ako agad. At hindi na lilingon.

Pero sabi nila, ikaw dapat mismo ang gumawa ng daan, ang gumawa ng paraan, ang gumawa ng pagkakataon.

Natatakot ako. Natatakot ang sarili kong hindi pa nasusubukang mabigo ng sobra sa karera ng buhay. Pakiramdam ko isa palang akong kuting na tinatahak ang kagubatan. Hindi ko alam kung sino ang sasakmal sa akin mula sa kung saan. 

Ganito pala? Ganito pala ang sinasabi nilang quarter life crisis. 

What people see is the winning part of you. The side you let them see

Kasi sino ba namang graduate ng college ang gustong mapahiya sa lipunang nakapalibot sa kanya? Sa lipunang umaasang makakaambag siya ng matino? ng tax? 

Sige na nga. Susubukan ko munang patahanin itong rebelyong nararamdaman ko. Kahit sa totoo lang, nasasakal na ako.

Nasa ibang lugar nga ba ang gusto ko?

O baka hindi ko lang mahanap ang mismong sarili ko kung nasaan ako mismo?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: