Unang Ulan ng Mayo

Umuulan ngayon sa Ilocos. Hay. Pagkatapos ng nakakalantang init ng araw maghapon, biglang nagbago ang ihip ng hangin. Tapos ayon, naaamoy ko na ang ulang paparating.

Alimuom. Yung amoy ng lupa pagkatapos hagkan ng mga patak ng ulan. Petrichor sa Ingles. Ang bango. Parang kape. May kakaibang pakiramdam na dala.

Pero katulad nung sabi ng isang patalastas, dyahe, nakakasenti talaga ang ulan. Hindi ko matukoy kung dahil nga ba sa kakaibang bango ng paligid, sa napakalamig na haplos ng hangin, o yung sumasayaw na tunog ng patak ng ulan. Hindi ko alam.

Pero ngayon, nalulungkot ako dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Gusto kong umuwi pero nasa bahay naman ako. Ang gulo no? 

O siguro ang ibig kong sabihin… Naalala ko na naman siya. Ay mali. Namimiss pala.

Kung bakit ba naman kasi ang dami naming alaala sa ulan. Hindi ko na idedetalye. Naiiyak ko na yun kanina.

Nakakaasar lang kasi. Habang pinupuno ng amoy ng ulan at lupa ang baga ko mas lalong nagwawala ang puso ko. Posible ba yun? Yung tipong ramdam na ng balat ko sa dibdib yung gustong kumawala sa loob ng rib cage ko. 

Parang gusto ko na lang sumiksik sa mga unan sa kama. Tapos hayaang mabalot ng makapal na kumot. Na para bang may nakayakap sa akin kahit wala naman. Na para bang magiging okay ang lahat kahit hindi ko naman alam. Hindi ako sigurado.

Ang tanging sigurado ko lang ay namimiss ko na naman siya. Sana nandito siya. Sana kasama ko siya ngayong umuulan.

Kaso hindi eh.

Marami pa namang ulan sa mga susunod pang buwan. Pero iba pa rin yung unang ulan ng Mayo. 

Advertisements

6 thoughts on “Unang Ulan ng Mayo

Add yours

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: