O? Tapos?

Ang bitter ko lang ngayon. Mas bitter pa sa kapeng ininom ko kanina. Masama eh. Masama ang gising ko. Masama ang gising ko araw-araw, sa loob na ng isang buwang paggising.

Sa sobrang sama, kapag nagbabasa ako sa social media ng kung ano-anong posts o nanonood ng kung ano-anong mga uploads at iba pang hanash, bumubulong yung subconscious ko ng mga salitang: O? Tapos? 

Ganoon kapakla!

‘Di ba parang ang pangit namang isipin na sa lahat ng posts, maganda man o kamukha nung ng posts (di kagandahan ✌🏻), nanggagalaiti akong supalpalin ng dalawang salita yung mga iba’t-ibang hanash at kaganapan sa buhay na pilit ginagawang big deal: O? Tapos?

Ewan ko ba kung maiinis din ako sa sarili ko kung bakit hinayaan kong umabot sa punto na naiirita na ako sa social media. Sa Vanity na meron ang bawat taong nandoon. Vanity? Big word! Pero ako lang ba ang naiinis?

Hello? Social media iyan! Social media nga ba? O mabilisang Social Climbing?

Hay ewan! Basta, ayoko na. Naiimbyerna ako. Tapos. Pagkatapos kong i-post itong blog post na to, marami din palang magtatanong at kasali na ako sa kanila. 

Ano yung tanong?

O? Tapos?

Advertisements

6 thoughts on “O? Tapos?

Add yours

  1. Hahaha, feel kita. Minsan nga parang gusto ko magdeactivate ng account sa FB. May mga nababasa din akong minsan na nakakairita. Thanks sa like sa blog ko. Hope you follow back πŸ™‚

    Liked by 1 person

      1. Thanks sis. Goal ko talaga sa blog makapagshare and to meet people around the world. Mas mabuti pa nga dito sa blog e tahimik compare to FB puro kaplastikan, lol.

        Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: