Itulog mo na lang yan 

Baka bukas hindi ka na pagod

Hindi na masakit

Ayaw mo nang umiyak

Wala ka ng pakialam

Yung tipong bahala na sila sa buhay nila

Bahala ka na din sa buhay mo

Itulog mo na lang yan

Baka bukas iba na

Wala ka ng ganang magmukmok

Ayaw mo nang maging talunan

Kaya mo ng tanggapin ang sakit

Kasi alam mong may iba pang bagay na para sa iyo.

Kaya mo ng kalimutan

Ang lahat

Lahat-lahat

Ng mga masasakit na bagay

At lalo na ang mga magandang ala-ala

Na pumipigil sayong paglayo

Kaya itulog mo na lang yan 

Baka bukas kaya mo ng makalimot

At tumakbo palayo

Mula sa mga bagay na humihila sayo

Sa mga bagay na sinasaktan ka

Sa mga taong hindi talaga nakatadhana

Pinipilit mo lang kasi…

Tahan na.

Tulog na.

Advertisements

15 thoughts on “Itulog mo na lang yan 

Add yours

  1. Ay gusto ko yung “magandang ala-ala na pumipigil” hahaha. Huwag natin hayaan na ang magandang ala-ala ang maging dahilan para hindi natin lisanin ang masakit na nakaraan.

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: