Mga Bagay na Nakaka-Frustrate

Warning: Non-stop complaints ahead. Proceed at your own risk.

1. Kapag sinabi ng estudyante mong hindi niya maintindihan yung lesson kahit ang dami mo ng strategies na ginamit. Tamad lang silang umintindi.
2. Kapag lahat ng tao nagbibigay ng hindi magandang comment tungkol sa itsura mo. Kesyo sobrang taba o payat mo na, sobrang tangkad o pandak, o kaya naman mukhang matanda o bata kesa sa totoong edad. Sabagay mata lang ang kaya nilang gamitin. Hindi utak.

3. Kapag hindi mo pwedeng makasama yung nagiisang taong gusto mong makita. Samantalang yung kinaiinisan mong taong mahilig sirain ang araw mo, laging naandyan. 

4. Kapag gusto mo pang ipagpatuloy ang pinapanood mong Kdrama pero suko na ang mata mo. At madaling araw na pala. Kinabukasan may klase ka pa.

5. Kapag kasasahod mo palang pero alam mong mauubos din agad. Ang daming dapat bayaran.

6. Kapag pagod na pagod ka na sa trabaho tapos yung kita mo hindi man lang kayang sustentuhan mga luho mo sa buhay. 

7. Kapag masyado nang nakadepende ang lahat sa dikta ng papel. Sa kung ano ang sabi ng nakakataas. Ang sakit isipin na sunod-sunuran na lang ang lahat sa papel. Wala nang common sense.

8. Kapag may mga bagay sa sistemang hindi mo na kayang baguhin. Kasi andyan na yan eh. Ano namang kaya mong ipaglaban eh baguhan ka lang?

9. Kapag merong nagmamagaling. Pero alam mong mas magaling ka. Ayaw mo lang maging tulad niya. Nagmamagaling.

10. Kapag gusto mong kumain ng french fries at sundae pero walang malapit na bilihan. At tsaka hating gabi na.

11. Kapag alam mong ang pera ay napupunta lang sa mga bagay na walang kakwenta-kwenta. Kahit hindi mo naman pera. Gusto mo lang makialam. Kasi alam mo kung gaano kahirap kumita.

(to be continued)

Advertisements

8 thoughts on “Mga Bagay na Nakaka-Frustrate

Add yours

  1. wala kasi akong ginagawa ngayon kundi manuod ng kdrama. at parang kulang yung isang buong araw na ginugugol ko. alam mo yun. hahahahahahahaha pero syempre magugutom ka habang nanunuod, dun pumapasok yung fries at sundae. jusq nagccrave nga ako ng samgyupsal at iced coffee ng mcdo ngayon eh pero badnews: nasa bundok ako. lol 45mins pa bago ako makarating ng mcdo. hayayayay.

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: