Simplehan Nating Mangarap

Simple lang naman ang pangarap ko sa buhay. 

Magkaroon ng trabaho na mahal na mahal ko–na kung tao lang ang trabaho, yayakapin ko siya ng sobrang higpit hanggang hindi na siya makahinga. haha! Biro lang.

Pero seryoso simple lang naman ang gusto kong trabaho… yun ay yung hindi ako oobligahing pumasok ng alas syete ng umaga. Sino ba kasing nagpauso na dapat alas siyete o mas maaga pa’y dapat gising na? Hindi ba pwedeng mga alas otso na lang? Huling tawad oh. Tapat na po.
Sige, okay lang kahit hanggang alas singko. Kahit na idamay mo na ang Sabado. Ang importante lang naman ay gusto ko ang ginagawa ko. Yung hindi ko kailangang makipagbalyahan sa kung kahit kanino. Yung tahimik lang. Walang nagmamagaling. Walang umaastang boss– kahit hindi naman siya ang boss. Yung pwede mong gawin yung kung ano sa tingin mo’y kaayaya. Yung may kalayaan. Hindi yung nakakubli ka’t nakagapos sa kung ano mang dikta ng papel. Jusko! Papel lang yan! Ano pang silbi at naging tao tayo pero nagpapa-alipin sa papel?

Ang ibig kong sabihin lang naman ay…yung sana umandar yung sinasabi nilang common sense. May trabaho bang ganoon? Yung trabahong mahal mo–na sa sobrang gusto mo siya, hindi mo na siya tinuturing na trabaho…kundi buhay mo na mismo. Yung trabahong hindi mo na aabangan yung weekend, yung bakasyon…kasi hindi mo naman kailangan ng lumayo. Hindi mo kailangang lumimot kahit sandali mula sa mga araw-araw mong ginagawa. Kasi hindi siya nakakasakal. Mahal mo eh.

May trabaho nga bang ganoon? Siguro meron. Hindi ko lang nahanap. O baka hindi ko lang ginustong ipaglaban. Kasi naman sa hirap ng buhay ngayon…parang ang hirap na ring maghanap…ang hirap magtapang-tapangan at sabihing ito ang gusto ko…ang hirap mag-inarte…ang hirap maging choosy…ang hirap mangarap.

Kahit libre.

Advertisements

8 thoughts on “Simplehan Nating Mangarap

Add yours

  1. Ako, kahit hinahanap ko pa din ‘yang trabaho na ‘yan, sure naman ako na meron. Dadating ‘yan sa atin o kung siguro, ready na tayo, baka tayo pa mismo ang gumawa at mag-open ng door ng trabaho na ‘yan para sa mga sarili natin. ☺️ Kaya natin ‘to, girl!

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: