The Palarong Pambansa Experience


Field Writer. Eto yung stress na gustong-gusto ko kasi masaya…pero mahirap…pero masaya. Andyan yung pangungulit sa mga technical officials kung may result na ba o wala. Sorry po makulit. ๐Ÿ™‚ At ang pag-upo ng ilang oras kapapanood kahit nakakangalay na. Yung pagcapture ng mga gymnasts na may kasamang frustrations kasi blurred. Ang lilikot. Tumbling ng tumbling. haha Malamang! ๐Ÿ˜… 

Fulfilling. When you saw that your article made it on the front page.

Tapos yung pag-aambush interview na weakness ko kasi nga introvert ako, bes! Introvert! ๐Ÿ˜ Pero yun na nga kailangang lumabas sa comfort zone once in a while. For the sake of… growing (kahit di naman ako physically nag-grogrow! Hehe) Nandyan din yung pagdownload at pagreview ng guidelines ng gymnastics. Helloooo. It’s not a general knowledge. (Learned a lot on this part.) Pero higit sa lahat yung stalking skills. Skill pala siya? ๐Ÿ˜… And take note, useful… Nandyan yung paghalungkat ng mga social media accounts ng mga athletes. Facebook, Instagram… Just to know their faces kasi nga ha-hunting’n namin sila sa venue para mainterview. Kasi iba yung mukha ng gymnast na naka-makeup na nagpeperform, iba din sa personal! Pero parehong ang gaganda bes! ๐Ÿ˜ฑThen I there’s this realization na ang pakuha ng scope ay dapat may kasamang diskarte at swerte. Big factor ang swerte. Minsan kailangan mong tanungin, hanapin, hagilapin…Minsan if you’re lucky, it reveals itself and you just need to connect the dots. Honestly, I had hesitations to do what I was tasked to do kasi nga I was enjoying my comfort zone. But then, Palaro awakens me once again…na ganito pala kalawak ang mundo… ang Pilipinas…na minsan nakalimutan ko na kasi nga nandoon lang ako sa apat na sulok… Nakalimutan ko na because I settled to what I know na madali…Palaro somehow made me experience my teenage dream– to be a journalist. Somehow. Masayang isuot ang blue na vest na may media sa likod kahit ang init-init, beh! Masayang alamin at maging interesado sa kwento ng pagkapanalo ng bawat manlalaro. Masayang makakilala at makasama ang mga dati at bagong katrabaho sa DepEd. Salamat mga ma’am at sir. Masayang maging bahagi ng isang grupo ng mga gurong-manunulat. Masaya. Nakakastress. Nakakahaggard. Pero masaya. 

Salamat sa lahat ng personalities behind this once in a lifetime event. Kasi nga baka after 30 years na siyang bumalik sa Ilocos. Baka lang naman… ๐Ÿ˜ƒ Salamat at nabuhayan ako ng loob na pangarapin ang mga dating pangarap. Salamat sa kakaibang karanasan. Salamat sa pagbuhay ng natutulog na dugo. Salamat, Palaro! โค๏ธ


This is Kizzel Mina, field writer, signing off.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: